Karaniwang hindi inaasahan at
maikli
Ang mga magagandang bagay at
pangyayari
Madalas itong masaya, ngunit
minsan puno ng pagkakamali
Kagaya ng pagkakakilala sa
taong nagbigay saya at pag-ibig kunwari
Nangakong mag-aantay sa
takdang oras
Ngunit napagod at agad ding
umatras
Maraming naidulot na problema
at sakit
Ala-alang puno ng saya at
pait
Ramdam mo ang kaseryosohan sa
umpisa
Ngunit hindi ka naging handa
sa mga pagbabago niyang dala
Marahil ito ang dahilan ng
kawalan mo ng tiwala
Tiwala sa lakas at kapit niyo
sa laro ninyong dalawa
Hindi mo batid kung sino nga
ba ang taya
Siya ba na may gustong
patunayan sa kanyang nararamdaman
O ikaw na naniwala at mas
piniling magpakatanga
Sa pag-aakalang nariyan lang
siya, mananatili at di ka tatalikuran
Wala kang naramdamang
pagsisisi sa kanyang pagkawala
Umasa kang magbabago siya
ngunit wala ka ring napala
May napatunayan nga siya,
Mali ka sa pag-aakalang iba
siya dahil katulad din siya ng mga nauna
Pinili niyang umalis kaysa
gawing tama
Lahat ng pagkakamaling
maiwawasto niya sayong akala
Muntik mo na siyang mahalin
sabay sa kanyang paglisan,
Muli niyang ipinaramdam ang
pait at paglaya ng isang iniwan
Muli kang napagsarhan ng
pinto
Isang pintong puno ng
pagkakamaling walang hinto
Ngunit sa paglingon mo ay mas
pinili mong magpatuloy na
Sa liwanag at pag-asang dala
ng mga nakabukas pang bintana
Nagkakilalang biglaan, sa
oras na di inaasahan
Nakasamang maglakad, kumain
at nagkakwentuhan
Naging komportable ka sa
kanya, at ganoon din siya
Ay teka mali pala! naging
komportable siya, yun ang iyong akala
Naging malapit sa isa’t-isa
Nagsalo sa drama, natulog sa
iisang kama
Hinayaang mapalapit ka ng
sobra
Sa pag-aakalang malalampasan
nyo lahat ng problema
Oo, masaya sa una
Masarap gumawa ng mga
ala-alang magkasama
Maraming naisakripisyo,
ngunit di ito alintana
Dahil akala mo mahal ka niya,
ngunit hindi pala
Marunong kang kumilala sa
unang pagkikita
May mali sa pananaw niya at
pinili mo itong maitama
Ngunit sabi nga nila, mayroong
mga bagay na hindi mo magagawa
Kapag nalalamangan na ng
pagdududa ang pagtitiwala
Maraming bagay ang nagawa
na’t naibigay
Simula sa mga materyal at
puno ng pagmamahal na mga bagay
Ngunit sa isang iglap ang
bilis niyang nabulag
Nabulag nga ba, o pinatay
niya ang ilaw para walang maaninag?
Limitado siya sa mga tao,
lagi niyang sinasabi
Kaya niyang mag-isa, ngunit
pinilit mong sumiksik sa kanyang tabi
Ito ang nagawa mong desisyong
napakamali
Hindi na makabubuti ang iyong
pananatili
Ngayong sira at nagkabuhol-buhol
na
Mahirap nang bumalik sa
dating saya at pagtitiwala
Sa pagdedesisyon batid mong
nagdadalawang isip pa siya
Mahigpit pa ang yakap mo
ngunit siya ay nagpupumiglas na
Wag kang mag-alala ayos lang
yan at alam mong matatanggap mo rin
Ayaw mo nang pahirapan siya
at sana’y ika’y patawarin
Nangako kang mananatili
ngunit kailangan mo na siyang palayain
Ito na ang huling larong
inyong lalaruin
Para sa mang-iiwan, hangad
niya ang iyong pag-ngiti
Ang iyong kaligayahan at
pagbangon sa mga hikbi
Batid niya na nagkamali ka at
marahil nagsisisi sa pagkakakilala
Ngunit ito ay tanggap niya at
handa na siya sa iyong paglaya
Lahat ng mga bagay sa mundo
Nangyayari ‘di dahil ito ay
ginugusto
Ginusto, pero ang nangyayari
kadalasan
Nagiging iba at hindi inaasahan
Sayo na iniwan, iiwan at
maiiwan
Luluhaka ngunit kailangan
mong lumaban
Ngingiti ka at kailangan mo
ng katapangan
Baon mo ang pait at saya ng
kanilang paglisan
Mananatili ka at kailangan
mong tumayo
Tumayo mula sa pagkakadapa mo
sa malayo
Babalik ka at aasa sa
pagdating
Pagdating ng taong matagal mo
nang hinihiling
Ngunit sa pagbalik mo asahan
mong ikaw ay muling maliligaw
Paulit-ulit kang magkakamali
at sisigaw
Walang makakarinig ngunit
huwag kang bibitaw
Dahil walang ibang tatayo
para sayo kundi ikaw
Subukan mo mang hanapin di mo
na matatagpuan
An lugar kung saan ka nila
linisan
Marahil ito ay dahil wala
roon ang iyong kaligayahan
Nasa malayo ito at kailangan
mong pagsumikapan
Naging mabuti ka, ngunit
ika’y hinusgahan
Lumapit ka, ngunit ikaw ay
linisan
Nagtiis ka at paulit-ulit na
tinapakan
Nagmahal ka, ngunit ikaw ay
sinaktan
Ramdam mo ang pait at
pag-sisisi
Pagsisisi sa paulit-ulit na
pagiging mabuti
Ngunit hindi ikaw ang talo sa
sugal na ito
Sila ang nawalan ng isang
taong katulad mo
Isang tao na paulit-ulit
silang minahal
Isang tao na kailanman ay di
sila tinalikuran
Isang tao na itinulak nila
palayo ngunit hindi nang-iwan
Isang tao na agad din nilang
nilisan matapos pagsawaan
Ngunit ito ay hindi mo
kawalan
Yan ang lagi mong tatandaan
Ito ay isang pagsubok at
hindi katapusan
Magmamahal kang muli at
asahan mong may magmamahal din sayo
Higit pa sa pagmamahal na
naibigay mo at nasayang ng ibang tao
Hindi siya lilisan at
mananatili siya sa tabi mo
Hindi na ito sugal at hindi
rin isang laro
Dahil ikaw, naiwan, iiwan at
maiiwan, ikaw na ang kanyang nag-iisang mundo