Thursday, February 22, 2018

Poem # 1 - PARA SA NANG-IWAN, MANG-IIWAN AT MAIIWAN




Karaniwang hindi inaasahan at maikli
Ang mga magagandang bagay at pangyayari
Madalas itong masaya, ngunit minsan puno ng pagkakamali
Kagaya ng pagkakakilala sa taong nagbigay saya at pag-ibig kunwari

Nangakong mag-aantay sa takdang oras
Ngunit napagod at agad ding umatras
Maraming naidulot na problema at sakit
Ala-alang puno ng saya at pait

Ramdam mo ang kaseryosohan sa umpisa
Ngunit hindi ka naging handa sa mga pagbabago niyang dala
Marahil ito ang dahilan ng kawalan mo ng tiwala
Tiwala sa lakas at kapit niyo sa laro ninyong dalawa

Hindi mo batid kung sino nga ba ang taya
Siya ba na may gustong patunayan sa kanyang nararamdaman
O ikaw na naniwala at mas piniling magpakatanga
Sa pag-aakalang nariyan lang siya, mananatili at di ka tatalikuran

Wala kang naramdamang pagsisisi sa kanyang pagkawala
Umasa kang magbabago siya ngunit wala ka ring napala
May napatunayan nga siya,
Mali ka sa pag-aakalang iba siya dahil katulad din siya ng mga nauna

Pinili niyang umalis kaysa gawing tama
Lahat ng pagkakamaling maiwawasto niya sayong akala
Muntik mo na siyang mahalin sabay sa kanyang paglisan,
Muli niyang ipinaramdam ang pait at paglaya ng isang iniwan

Muli kang napagsarhan ng pinto
Isang pintong puno ng pagkakamaling walang hinto
Ngunit sa paglingon mo ay mas pinili mong magpatuloy na
Sa liwanag at pag-asang dala ng mga nakabukas pang bintana

Nagkakilalang biglaan, sa oras na di inaasahan
Nakasamang maglakad, kumain at nagkakwentuhan
Naging komportable ka sa kanya, at ganoon din siya
Ay teka mali pala! naging komportable siya, yun ang iyong akala

Naging malapit sa isa’t-isa
Nagsalo sa drama, natulog sa iisang kama
Hinayaang mapalapit ka ng sobra
Sa pag-aakalang malalampasan nyo lahat ng problema

Oo, masaya sa una
Masarap gumawa ng mga ala-alang magkasama
Maraming naisakripisyo, ngunit di ito alintana
Dahil akala mo mahal ka niya, ngunit hindi pala

Marunong kang kumilala sa unang pagkikita
May mali sa pananaw niya at pinili mo itong maitama
Ngunit sabi nga nila, mayroong mga bagay na hindi mo magagawa
Kapag nalalamangan na ng pagdududa ang pagtitiwala

Maraming bagay ang nagawa na’t naibigay
Simula sa mga materyal at puno ng pagmamahal na mga bagay
Ngunit sa isang iglap ang bilis niyang nabulag
Nabulag nga ba, o pinatay niya ang ilaw para walang maaninag?

Limitado siya sa mga tao, lagi niyang sinasabi
Kaya niyang mag-isa, ngunit pinilit mong sumiksik sa kanyang tabi
Ito ang nagawa mong desisyong napakamali
Hindi na makabubuti ang iyong pananatili

Ngayong sira at nagkabuhol-buhol na
Mahirap nang bumalik sa dating saya at pagtitiwala
Sa pagdedesisyon batid mong nagdadalawang isip pa siya
Mahigpit pa ang yakap mo ngunit siya ay nagpupumiglas na

Wag kang mag-alala ayos lang yan at alam mong matatanggap mo rin
Ayaw mo nang pahirapan siya at sana’y ika’y patawarin
Nangako kang mananatili ngunit kailangan mo na siyang palayain
Ito na ang huling larong inyong lalaruin

Para sa mang-iiwan, hangad niya ang iyong pag-ngiti
Ang iyong kaligayahan at pagbangon sa mga hikbi
Batid niya na nagkamali ka at marahil nagsisisi sa pagkakakilala
Ngunit ito ay tanggap niya at handa na siya sa iyong paglaya

Lahat ng mga bagay sa mundo
Nangyayari ‘di dahil ito ay ginugusto
Ginusto, pero ang nangyayari kadalasan
Nagiging iba at hindi inaasahan

Sayo na iniwan, iiwan at maiiwan
Luluhaka ngunit kailangan mong lumaban
Ngingiti ka at kailangan mo ng katapangan
Baon mo ang pait at saya ng kanilang paglisan

Mananatili ka at kailangan mong tumayo
Tumayo mula sa pagkakadapa mo sa malayo
Babalik ka at aasa sa pagdating
Pagdating ng taong matagal mo nang hinihiling

Ngunit sa pagbalik mo asahan mong ikaw ay muling maliligaw
Paulit-ulit kang magkakamali at sisigaw
Walang makakarinig ngunit huwag kang bibitaw
Dahil walang ibang tatayo para sayo kundi ikaw

Subukan mo mang hanapin di mo na matatagpuan
An lugar kung saan ka nila linisan
Marahil ito ay dahil wala roon ang iyong kaligayahan
Nasa malayo ito at kailangan mong pagsumikapan

Naging mabuti ka, ngunit ika’y hinusgahan
Lumapit ka, ngunit ikaw ay linisan
Nagtiis ka at paulit-ulit na tinapakan
Nagmahal ka, ngunit ikaw ay sinaktan

Ramdam mo ang pait at pag-sisisi
Pagsisisi sa paulit-ulit na pagiging mabuti
Ngunit hindi ikaw ang talo sa sugal na ito
Sila ang nawalan ng isang taong katulad mo

Isang tao na paulit-ulit silang minahal
Isang tao na kailanman ay di sila tinalikuran
Isang tao na itinulak nila palayo ngunit hindi nang-iwan
Isang tao na agad din nilang nilisan matapos pagsawaan

Ngunit ito ay hindi mo kawalan
Yan ang lagi mong tatandaan
Ito ay isang pagsubok at hindi katapusan

Magmamahal kang muli at asahan mong may magmamahal din sayo
Higit pa sa pagmamahal na naibigay mo at nasayang ng ibang tao
Hindi siya lilisan at mananatili siya sa tabi mo
Hindi na ito sugal at hindi rin isang laro
Dahil ikaw, naiwan, iiwan at maiiwan, ikaw na ang kanyang nag-iisang mundo


Poem # 2 - PATINTERO



Maglaro tayo
Isang larong pang maramihan
Gawin nating pang dalawahan
Ngunit bago tayo magsimula, mangako ka
Walang ibang sasali sa laro nating dalawa
Hindi natin hahayaang mawala ang saya
Walang mapapagod at walang bibitaw
Sa patinterong ito, ang taya ay ako at ikaw
Mga hangganang tubig ang iginuhit
Paulit-ulit na nabubura sa tuwing umiinit
Madaling pumasok, sa gitna ay mahirap maipit
Nadadapa ngunit tumatayong muli nang paulit-ulit
Sa pagmamahalang ito ay mahirap makalabas
Patuloy kang matataya, dahil mahirap makatakas
Ngunit sa gitna ng saya,
Bakit biglang umayaw ka?
Hinihingal ka ngunit batid kong hindi ka pa pagod
Masakit na ba ang mga sugat mo sa tuhod?
Paulit-ulit na pinapahilom ngunit hindi na gumagaling
Panahon na yata upang ika'y palayain
Sa laro nating ito ay may naunawaan ako
Hindi pala masaya ang pang dalawahang patintero




image: http://baasama.tumblr.com

Poem # 3 - A FRIENDLY REMINDER




Trust is the most crucial thing in friendship
Loyalty to a group or just for three
Secrets and tears bring strong relationship,
Happiness and firm camaraderie
But trust is so costly and hard to gain,
Difficult to maintain, also brittle
Easy to be damaged and causes a lot of pain
Losing your fellowship and your title
Yet to get back to what you were before, 
Won't be arduous if fixed right away
Living life with friends is worth living for
Untie the twisted knot, heal wounds today
Don't let anger blind you from good things
Don't let pride conquer your understanding

Poem # 4 - PARA SA BABAENG PALAGING NAKANGITI



Isa siya sa mga babaeng madalas makalimutan
Batid niya na hindi siya ganoon kagandahan
Hindi katangkaran at hindi rin katalinuhan
Ngunit may pusong busilak na madalas mahusgahan

Masayang kasama, maingay, palatawa
Walang lungkot na mababakas sa kanyang mukha
Ngunit lapitan mo at subukang basahin ang mga mata
Mababatid mong pagod na ito sa poot at luha

Kailangan niya ng taong makakaintindi
Hindi mang-iiwan at mananatili sa kanyang tabi
Hindi ang taong nariyan lang sa masasayang sandali
At iiwan siya sa ere kapag may nangyaring mali

Isang taong magmamahal sa kanya ng buo
Papahalagahan siya katulad ng kanyang pagpapahalaga sa ibang tao
Isang taong pupuno at kukompleto
Sa malungkot at di-perpekto niyang mundo

Poem # 5 - IT WAS SUMMER WHEN I FELL IN LOVE WITH THE NATURE


It was a bright and hot season
Before the school ends and the sky was crimson
I took a walk and greet the nature
I met these 7 great lovely creatures

The sun was shinning brightly
His warmth; i felt it deeply
I looked at him and my heart was on fire
To reach him was a tough desire

He is a grape full of intelligence
I am satisfied by his heartfelt presence
He may be sad because he lacks visuals
But the best leader has K.N.J. initials

I continued walking and saw a turtle
It stopped and slept inside a hard circle
"He has a sweet smile," i thought
What an adorable creature to be caught

A knight passed by wearing pink
He threw kisses, my heart almost sinked
He invited me to a dinner
He cooked so well for a singer

As I left and continued walking,
I heard a scratch and saw a chick chirping
He is so small he can fit in my heart
His eyes, nose, lips, I can't forget like an art

A bunny popped up out of nowhere
He jumps carelessly here and there
He looks so happy and full of strength
I want to keep him but I just can't

I met the most handsome and lovable tiger in the forest
He is smart and his heart was the purest
I was moved when I heared his voice
I loved him deeply without thinking another choice

To these 7 creatures I met
Thank you for giving me more than the love I sent
I may be just one of the girls you attracted
But I promise you, I will stay and I won't regret

For loving you is a choice I made
I adore you and it will never fade
To greet the heat season is not a pressure
Because it was summer when I fell in love with the nature.